Iba’t ibang psychological facts (Part 3)
Tungkol sa panaginip:
• 70 percent ng iyong panaginip ay may ibig sabihin base sa nilalaman ng iyong subconscious mind.
• Kapag hindi ka stressed, masaya ang iyong napapanaginipan.
• Ang ating napapanaginipan ay karaniwang iniisip at pangyayari ng mga nakaraang araw.
• Hindi lahat ng tao ay may kulay ang panaginip. Minsan, black and white lang.
• May taong nananaginip ng apat na beses sa isang gabi lang.
• Lahat ay nananaginip ngunit hindi lahat ay natatandaan kung ano ang napanaginipan nila.
• Kung maruming tubig ang napanaginipan, ibig sabihin ay may problema sa kalusugan ang isang tao.
• Kung alien naman ang napanaginipan, ang dreamer ay nakakaranas ng hirap sa bago niyang sitwasyon o ang kanyang personal space ay naaapakan na ng ibang tao at iyon ay ikinaaasar niya.
• Ang mga mukhang nakikita mo sa panaginip ay mga nakita mo na sa personal o sa TV.
• Four percent ng panaginip ng lalaki o babae ay tungkol sa sex. At ito ay madalas na tungkol sa “intercourse”.
• Tungkol sa sex ang napapanaginipan kung nakataob ka habang natutulog. Pero may iba pa rin silang napapanaginipan bukod sa sex:
a. Nakakulong siya.
b. Hubo’t hubad siya.
c. Walang hangin ang paligid at hindi siya makahinga.
d. Lumalangoy.
• Kung tungkol sa sex ang napapanaginipan, ang mga lalaki ay nakikipag-sex sa iba’t ibang babae samantalang ang kababaihan ay mga public figure or celebrities ang katalik.
- Latest