100 pamahiin ng Americans para humaba ang buhay (Last part)

81. Magiging sakitin ang taong madalas magputol ng kuko sa gabi. Kung laging nagkakasakit, malamang na mamatay ng maaga.

82. Iwasan mag-toast ng glass na may tubig, parang nagto-toast kayo ng inyong nalalapit na kamatayan.

83. Senyales na maikli ang buhay ng isang tao kung ang ibon ay dumapo at humapon sa  likod ng kanyang upuan tapos kaagad lilipad palabas ng bahay.

84. Huwag hayaang magpormang krus ang dalawang kutsilyo na nasa ibabaw ng mesa.

85. Huwag kumain na dalawang tinidor ang ginagamit.

86. Huwag maliligo sa December 31 or last day of the year.

87. Huwag magpapagupit sa March.

85. Hintayin ang first birthday ng bata bago gupitin ang kanyang kuko at buhok.

86. Kapag bumibisita sa sementeryo, itago ang hinlalaki sa iyong apat na daliri. Ang hinlalaki ay simbolo ng magulang. Itatago mo ang iyong hinlalaki at baka makita ni Kamatayan.

87.  Huwag magreregalo ng yellow flowers, simbolo ito ng kataksilan at kamatayan.

88. Huwag iiwanang nakabuka ang gunting kung ito ay hindi ginagamit. Malamang na “gupitin” nito ng maaga ang iyong buhay.

89. Iniiwasan nila ang number 4 dahil ikinukunekta nila ito sa “death”.

90. Iwasang matulog pagkatapos kumain ng heavy meal. May tsansang hindi ka na magising.

91. Huwag maglalaba sa Bagong Taon, nagreresulta ito ng kamatayan sa pamilya.

92. Ang mga kamag-anak na nagbabantay sa lamay ay dapat hindi ibuka ang bibig habang malapit sa kabaong. Ang kaluluwa ay maaaring pumasok sa bibig at siya naman ang susunod na mamamatay.

93. Iniiwasan nilang gamitin ang family car para magdala ng kabaong sa sementeryo upang maiwasan ang kasunod na kamatayan sa pamilya. Nagrerenta sila ng funeral car.

94. Hindi dapat bumiyahe sa malayo ang isang tao sa araw ng kanyang kapanganakan dahil ma[apit siya sa kapahamakan.

95. Kung ang mirror na nabasag ay may katabing portrait, ang taong nakalitrato ay mamamatay.

96. Kapag New Year, lumundag nang lumundag upang humaba ang buhay.

97. Huwag magpapatong ng sombrero sa ibabaw ng kama. Magiging maikli ang buhay ng taong natutulog doon.

98. Huwag magdaos ng advance birthday party. Parang inaagahan mo dahil mawawala ka na. Kung talagang imposibleng idaos ang party sa saktong petsa, huwag na lang magparty. Mag-blow na lang ng candle sa cake, mag-wish at magsimba.

99. Ang malaki at mahabang taynga ay senyales ng mahabang buhay.

100.  Kapag magbibigay ng regalo, dapat ito ay may korteng bilog. Ang bilog ay simbolo ng good luck at mahabang buhay.

Show comments