Magkano ba dapat ang 14th month pay?

Dear Attorney,

May tamang pag-compute din ba ng 14th month pay na katulad ng sa 13th month pay? —Jan

Dear Jan,

Ngayon ay hanggang 13th month pay lamang ang ipinag-uutos ng batas na kailangang bayaran ng mga employers. Kaya ang anumang higit pa na matatanggap ng empleyado bukod dito ay magiging base lamang sa company policy, collective bargaining agreement (CBA), o sa mismong kontrata ng empleyado.

Kaya ang company policy, ang CBA sa pagitan ng kompanya at ng mga empleyado, o ang employment contract ang pagbabasehan kung tama ba ang halaga ng 14th month pay na natanggap.

Kung hindi naman dahil sa mga nabanggit ang dahilan ng pagbibigay ng 14th month pay, maipagpapalagay na isa lamang “bonus” ang 14th month pay na ibinigay dahil sa kabutihang loob ng employer.

Bilang isang bonus, ang pagbibigay nito ay hindi isang obligasyon sa parte ng employer. Ibig sabihin, kung ano man ang maging halaga nito ay hindi maaring magreklamo ang empleyado kahit pa sabihing “kulang” ito at hindi katumbas ng isang buwang sahod.

Show comments