61. Pigilan ang paghinga habang dumadaan ang iyong sasakyan sa sementeryo. Maaaring malanghap mo ang espiritu ng bagong libing na bangkay at ang resulta ay pag-ikli ng buhay.
62. Pangalagaan ang buhok upang hindi malagas. Ang panlalagas ay pangitain na isang kamag-anak na bata pa ang nakatakdang mamatay.
63. Kapag ang ibong robin ay pumasok sa bahay, pangitain iyon ng kamatayan sa isang miyembro ng pamilya. (Pero kabaliktaran sa Chinese, ito ay pangitain ng pagdating ng pera).
64. Laging magbitbit ng acorn (prutas ng oak tree).
65. Kapag New Year, tumalon at magsaya.
66. Iwasang magbiyahe sa Friday the 13th.
67. Huwag lalagyan ng perfume ang sanggol. Magugustuhan sila ng mga anghel dahil sa kabanguhan kaya’t mamamatay sila nang maaga.
68. Huwag gawing biro ang pag-iiyak kunwari. Baka ikaw naman ang biruin ng tadhana. Ikaw ang iiyakan dahil namatay ka or ikaw ang iiyak dahil namatayan ka.
69. Suklayin ang buhok ng tatlong beses kada araw para maiwasang magkasakit.
70. Imasahe ang paa araw-araw para mapanatili ang kalusugan.
71. Lunukin ang laway ng 300 beses kada araw. (Base sa pag-aaral ng University of Georgia School of Medicine, ang carcinogenic substances na pinagmumulan ng cancer ay mabilis na natutunaw ng laway sa loob ng 30 seconds.)
72. Kung magpapasok ng palakol o anumang gamit na may talim sa loob ng bahay, ilabas mo ang mga iyon sa pintuang ginamit mo sa pagpasok.
73. Huwag magpapasok sa bahay ng bouquet of wildflowers. Ito yung mga bulaklak na karaniwang tumutubo sa sementeryo.
74. Huwag maglalakad sa loob ng bahay na iisa ang sapatos.
75. Kapag nakita mo o ng ibang tao na walang ulo ang iyong anino, hubarin ang suot na damit at sunugin.
76. Ilabas sa backdoor ng bahay ang taong dadalhin sa ospital para makabalik siya sa bahay nang buhay at nalunasan na ang sakit.
77. Huwag maglalagay ng tatlong lampara sa iisang mesa.
78. Iwasang uminom ng kape sa 5:00 a.m. or p.m. Ang 5 ay simbolo ng kamatayan sa ibang lahi.
79. Huwag kakain sa platito. Dapat ay malaking pinggan ang gamitin.
80. Kapag nanghiram ng asin sa kapitbahay, huwag na itong babayaran.
(Itutuloy)