SA Taytay, Rizal, na kilalang Garments Capital of the Philippines, may dalawang lokal na opisyal na sukdulang masiba sa kuwarta. Binansagan sila ng mga residente na Alanis the Lion at ang tuta niya naman ay King Elefante. Sa loob lang ng dalawa’t kalahating taon, hindi biro ang ginawang pitsa nitong sina Lion at King sa paraan ng ghost delivery, SOP sa mga kontrata, at overpricing sa mga procurement deals ng munisipyo.
Gayunman, sadya yatang walang kabusugan ang tambalang Lion-King na nakaisip pa ng bagong diskarte — ang magpapasok ng mga kapitalista’t negosyante. Ang totoo, wala namang masama na humikayat ng mga negosyante na magpasok ng kapital sa munisipyo. Katunayan, ‘yan mismo ang ginagawa ni President Bongbong Marcos tuwing biyahe niya sa ibang bansa! Mismooo!
Subalit hindi tulad ni PBBM na may bitbit na resulta pagkatapos ng biyahe—kakaiba ang motibo ng dalawang dorobo. Dipugaaa! Sa kaso ni Alanis the Lion, kailangan niyang maghapit dahil sa tawag ng laman. Linawin ko lang mga kosa, hindi babaero si Alanis the Lion dahil “papa” ang hanap niya. Hindi lang isa ang bitbit niya tuwing biyahe kundi sanrekwa para laging may reserba. Eh di wow!
Ang siste, hindi sapat ang kanyang buwanang sahod bilang lokal na opisyal. Enter the dragon sa katauhan ni King Elefante na abala sa pakikipag-usap sa mga negosyante na nakalinyang bibiktimahin nila. Araguyyy! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Teka, teka, kasama sa nabiktima ng tambalang Lion-King ng P9 milyon ay ang tatlong kapitalistang pumasok sa drive nila sa negosyong peryahan para sa nalalapit na kapistahan sa Pebrero kung saan siniselebra ang dinarayong Hamaka Festival.
Ayon sa mga kosa ko, ang bawat isang player ay hiningan ng tumataginting na P3 milyon para sa operasyon ng perya. Nagkasundo naman ang magkabilang kampo. Subalit pagkatapos iabot ang pera kay King Elefante, dinedma na ang mga kawawang financier at hindi sila pinaglatag ng negosyo nila. Sanamagan! Sino pa ang matinong investor na papasok sa Taytay sa sistemang ito ng tambalang Lion-King? Araguyyy! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Ang nakaaawa sa tatlo ay ang isang financier na halos hindi makalakad dahil sa iniindang karamdaman. Lalong lumala ang sakit niya dahil sa malaking pitsa na nawala sa kanyang kaban. Tinitiyaga ni financier na bumiyahe mula sa malayong lalawigan para makiusap ang mag-among Lion at King sa pagbabakasakaling maibalik ang milyones niya. Kaya lang, tikom ang mga kamay at nagturu-turuan pa ang mga dorobo. Purbidang yawaahhh! Ang sakit sa bangs nito!
Sinabi ng mga kosa ko na ayon kay King Elefante, niremit na niya kay Alanis the Lion ang kuwarta. Nang puntahan ang lalakerong si Alanis the Lion, itinuro naman ang alagang Elefante.
Ang tanong, saan na kaya napunta ang P9 milyon na kinultab ng tambalang Lion-King? Your guess is as good as mine mga kosa? Sa sistemang ito ng mga dorobo, tiyak kakain ng alikabok si Alanis the King sa darating na May midterm elections. Ano pa nga ba! Abangan!