HUWAG nang magtaka ang mall-goers kapag hindi sila makakita ng mga security guards na nakasuot-Santa Claus para libangin sila ngayong malapit na ang Christmas Day. Ipinagbawal na kasi ni Civil Security Group director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco ang pagsusuot ng Santa Claus outfit sa pangambang gagamitin ito ng mga kriminal para maisakatuparan ang kanilang illegal na aktibidades.
“Marami kasi tayong mga experience na ito ay nagagamit ng mga kriminal or masasamang loob kaya ‘yun yung mga bagay na iniiwasan natin at iiwasan natin sa pagkakataon na ito,” ayon kay Francisco. Hindi lang ‘yan, ang pagsusuot ng Santa Claus costumes ay maari ring makapagpabagal ng responde ng mga security guards sa oras ng emergency, at may pagkakataon pang hindi sila makilala at baka ma-mistaken encounter pa. Puwede, di ba mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Hindi naman kaila sa mall-goers na dati-rati, may mga security guards na nagsusuot ng costumes ng Santa Claus para i-entertain sila, lalo na ang mga kabataan. Pero sa panahon ngayon na mahirap ang buhay, abayyy baka i-take advantage ito ng mga kriminal para sumalakay at maging ang mga pulis ay maguguluhan kung si Santa Claus ba ang hahabulin o ang kriminal. Mismooooo!
Ipinahayag ni Francisco na may prescribed uniforms naman ang security guards at kung may gustong mag-deviate dito ay puwede naman. Kaya lang mag-submit sila ng request sa CSG for approval. “Ngayon kung siguro ‘yung minimal naman kagaya ng sumbrero lang ng Santa Claus siguro pagbibigyan natin ‘yun pero kapag buong uniform na ang kanila ide-deviate ay bawal ‘yun,” paliwanag ni Francisco. Dipugaaa!
Nagbabala si Francisco na ang security guards na lumabag sa kanyang alituntunin ay haharap sa kaparusahan sa ilalim ng Section 14 of the Republic Act 5487 o ang Private Security Agency Law. At ang agency nila ay pagmumultahin at isasailalim pa sa administrative investigation. Sanamagan!
Teka, teka, ang agency ay makakansela ang permit to operate kapag paulit-ulit na paglabag ng kanyang kautusan. Gets n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Iginiit pa ni Francisco na ang mga nakaatang na trabaho lang ang dapat gampanan ng security guards at hindi sila dapat magsagawa ng iba pang trabaho tulad ng pagiging parking attendants, utility workers o service crew. Eh di wow!
Ang basic functions ng security guards, aniya, ay ang pagpatrol sa nakaatang na lugar, magreport ng kaiba-ibang insidente o events, pagkontrol ng entry at exits ng mga bisita o kanilang mga sasakyan. Kasama na rito ang pag-aayos ng trapik sa kanilang area of responsibility.
O hayan, mga kosa kong security guards, maliwanag pa sa sikat ng buwan ang trabaho na dapat ninyong gampanan ha? Mismooo!
Ang PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) ang opisina na nagre-regulate ng operations ng security agencies, at ang CSG naman ang in-charge sa administrative at operational control nito.
Ang CSG ay nagdiwang ng kanilang 44th anniversary noong Martes na ang theme ay: ‘Tapat at Mabilis na Serbisyo Garantisadong Ligtas ang Mamamayang Pilipino.” Abangan!