Makati police, nagsoli ng P264-M sa mga negosyante!

ISINOLI ng Makati police ang P264-M, alahas, at mamahaling gamit ng sinimot nila sa condo unit ng mga negosyante na ni-raid nila noong September 12. Dapat bang palakpakan ang Makati police mga kosa? Kasi bihira ‘yan na nagsoli ang kapulisan ng milyones na ebidensiya na nakalap nila tuwing raid. Mismooooo!

Napilitang isoli ng mga bataan ni Makati police chief Col. Joseph Talento ang mga epektos dahil sa kakulitan ng complainant na sina Phuong To Chau at ka-live in na si Kaiyong Zhuo.

Tinanggap ng kaibigan ni Phuong na si Liau Jia Yang ang mga epektos dalawang araw matapos ang raid. Sa pagkaalam ng mga kosa ko, ni-relieve ni dating NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez ang mga raiders at pinaimbestigahan ang kaso. Get’s n’yo mga kosa? Tsk tsk tsk!

Palagi na lang olats ang mga pulis natin kapag may pitsa ang kalaban, di ba mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Nagtagumpay naman ang mga bataan ni Talento na makumpiska ang mga baril, magazines at bala sa mga lugar na binanggit sa search warrant. Kaya’t sinampahan sina Phuong, Kaiyong, Li Shusong at Zhang Xiao Bo, ang bodyguard ng live-in couple, ng kaukulang kaso sa City prosecutor’s office. Mismooo!

Kaya lang ang magandang trabaho ng kapulisan ay nadungisan bunga sa niresbakan sila ng mga suspect’s at sinampahan ng sandamakmak na kaso sa Ombudsman. Naturuan ng marunong sa batas ang mga dayuhan, no mga kosa? Sa kanilang sinumpaang salaysay, sinabi ng mga complainant na nagulat sila ng pasukin ng maraming pulis ang kanilang condo sa Bgy. Urdaneta, Makati City.

Dahil hindi marunong ng Tagalog at English, huli na ng mahimasmasan ang apat na may dalang search warrant ang mga pulis. Nakuha ang mga baril at iba pa sa magkabilang kuwarto. Sinabi ng apat na nagkaroon ng negosasyon na magbayad sila ng P5 milyon kapalit ng agarang paglaya ng tatlo sa kanila.

Subalit pagdating sa police headquarters, itinaas ang presyo sa P8 milyon kasi ang sabi ng kausap maraming players sa raid. Ang galing naman ng nagturo ng ideyang ito. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang kaibigan ni Phuong na si Raymond Michael Co, na naghahatid ng pagkain sa apat sa kulungan, ang nakipagnegosasyon para maibalik ang mga cash, alahas at gamit na nakuha sa condo. Subalit sa una, nagpasama si Co sa mga pulis para i-tsek kung anu-anong gamit ang nawawala pa sa condo.

Ang dalawang pulis na kasama ni Co ay may suot na jacket at nakaumbok ang bulsa. Malinis ang condo subalit nang ang mga pulis ang pumasok, abayyyyy na-madyik at nakita roon ang diamond ring. Nawala rin ang umbok sa mga jacket ng mga pulis. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Maliban sa P264-milyon, ang mga isinoling items ay Christian Dior bag, Marshal speaker, Bracelet Bangel (Hermes), gold bracelet, assorted foreign currencies, gold coins, rectangular gold, Apple laptop, IPAD pro, traditional bracelet, Channel handbag, red gold bracelet, YSL bag, Gucci bag, LV sling bag, Nike belt bag, diamond ring, Hermes Scarf, Dior bag, LV bag, MCM bag, Sling bag with keys, 8 pieces celfones, Power bank, 1 box of religious/traditional bracelet, necklace and pendants, Hermes bag, brown LV bag, Hermes wallet, gray backpack, relos na Patek Philippe, Audemars, at Richard Mille, brown wallet, 4 pieces car keys, 3 gold necklace with big pendants, 2 gold cards, 2 laptops, coin collection albums, assorted bankbooks.

Wow, sobrang dami. Kaya lang may missing items pa! Abangan! 

Show comments