Sapatos na ginamit ni Judy Garland sa pelikulang ‘Wizard of Oz’, ipinasusubasta matapos mawala sa loob ng 2 dekada!

ISANG pares ng ruby slippers na sinuot ni Judy Garland sa pelikulang “The Wizard of Oz” ay ipinapa-auction ngayon matapos itong nakawin halos dalawang dekada na ang nakalilipas.

Ang sapatos ay pinahiram ng isang kolektor sa Judy Garland Museum ngunit noong 2005, ninakaw ito at natagpuan lang noong 2018 sa tulong ng FBI.

Ngayon, ang naturang museo ay kabilang sa mga nais mag-bid upang muling ­makuha ang sapatos. Lumikom ang museo ng pondo. Naglaan naman ng $100,000 ang mga mambabatas ng Minnesota para suportahan ang bid.

Inamin ng magnanakaw na si Terry Jon Martin, na ginamit niya ang isang martilyo para basagin ang display case ng sapatos para mapasakamay niya ito.

Ayon kay Martin, ninakaw niya ito sa pag-aakalang may diyamante ang sapatos. ­Nabalitaan niya kasi noon na mayroon itong $1 million insurance value.

Show comments