Eco-friendly death

NOONG araw, nagkaroon ng “shortage” sa lupang paglilibi­ngan ng mga yumao sa isang bayan sa United Kingdom. Sa panahong ito naimbento ang “cremation”.  Isinagawa ang unang “legal cremation”  ng Cremation Society crematorium sa bayan ng Woking, Surrey UK noong 1885.

Ang cremators ay gumagamit ng gas na sa kasamaang palad ay lumalason sa ating kapaligiran. Mula sa paggamit ng coke-fired oven hanggang sa modern gas.

Gamit ang oven sa crematoria,  mga isang oras at kalahati ang itinatagal para maabo ang isang average na laki ng katawan ng tao sa temperature na 1,100 degree Centigrade. Ang usok mula sa nasusunog na kahoy na ataul ay nagdudulot ng lason sa atmosphere.

Idagdag pa rito ang usok ng mercury mula sa dental fillings ng ngipin ng namatay. Sinasabing mayroon na raw ngayong ginagamit na filter ang mga crematoria para maiwasan ang pagkalason ng hangin sa kapaligiran.

Sa kabila ng paggamit ng filter, noong 1999 ay isang babaeng Swedish, si Susanne Wiigh-Masak ang nakaisip ng mas ecologically-conscious method ng pag-dispose ng bangkay sa pamamagitan ng freeze drying. Ang method ay tinawag na “promession”.

Ang bangkay ay ilulubog sa liquid nitrogen, tapos patutuyuin para lumutong ang buong katawan. Ilalagay ang katawan sa vibrating machine para madurog at maging abo. Habang nadudurog ang katawan ay ihihiwalay ng machine separator ang dental fillings o anumang metal na nakakabit sa katawan ng yumao. Ang matitira ay abo na lang.

Ito ay ilalagay sa box na yari sa corn or potato starch para ilibing sa mababaw na hukay (two feet). Sa loob ng 6 to 12 months, ang abo ng inyong mahal sa buhay ay magiging pataba sa lupa kaya karamihan sa mga naulila ay nagtatanim ng puno sa grave site. Naging katanggap-tanggap sa European Union pollution law ang promession.

Show comments