Higanteng thumbtack sa Kentucky, nakatanggap ng Guinness Record!
Isang higanteng thumbtack na may taas na 21 feet at 7 inches ang tinagurian bilang pinakamalaking push pin sa buong mundo ng Guinness World Records.
Ang Transit Authority of Central Kentucky (TACK) ang nagpasimula ng proyekto bilang bahagi ng renovation ng kanilang headquarter office sa Elizabethtown, Kentucky.
Ayon kay Glenn Arney, ang executive director at CEO ng TACK, sila mismo ang gumawa ng higanteng thumbtack. Dahil mahal ang quote ng isang kompanya sa Florida na nagkakahalaga ng $109,000, nagpasya si Arney at tatlong empleyado na mag-DIY (do it yourself) na lang sila kahit wala silang karanasan sa welding.
Ang isa sa kanilang grupo ay natuto pa ng welding mula sa YouTube.
Matapos ang kanilang mga pagsusumikap, nabuo ang thumbtack na tumitimbang ng 3,000 lbs at lumampas ito sa 19 feet at 8 inches minimum requirement ng Guinness upang mapasakamay nila ang record.
Ang thumbtack na ito ay nagsilbing bagong simbolo para sa TACK at sa komunidad ng Elizabethtown.
- Latest