“Kanina kasi e talagang maliligo na ako pero dumating ka. Kaya ngayon na ako maliligo,’’ sabi ni Puri. “Uminom ka lang diyan, Jeff. Kumuha ka ng pulutan sa kitchen. Saglit lang ako sa banyo.’’
Tumango lang si Jeff.
Umalis na si Puri at tinungo ang banyo.
Nang mapag-isa na si Jeff ay naalala niya ang sinabi ni Puri kanina. May asawa na raw si Mayang at may anak na.
Sabi pa ni Puri sa kanya, huwag na itong pag-aksayaan ng panahon. Huwag na niyang hanapin. Sayang lang daw. Marami pa naman daw babae.
Napabuntunghininga si Jeff. Malalim ang buntunghininga.
Hinawakan ni Jeff ang bote ng Blue Label. Binuksan. Naglagay sa baso. Kalahati. Tinungga niya. Straight. Gumuhit sa lalamunan niya.
Pagkatapos ay naisip na naman niya ang mga sinabi ni Puri. May asawa na si Mayang at may anak na raw.
Sino kaya ang napangasawa?
Taga-saan kaya ang napangasawa?
Ang ipinagtataka niya ay kung bakit hindi ito sinabi ni Puri sa kanya nang magtungo siya rito noon? Bakit kailangan pang papuntahin pa siya rito at saka sinabi ang masakit na balita. Sabi naman ni Puri, kailan lang niya nakausap si Mayang. Nangyari raw iyon makaraan silang mag-usap.
Totoo kaya ang mga sinasabi ni Puri? Hindi kaya nagsisinungaling lang ito at gusto siyang linlangin?
Pero ano naman ang dahilan at magsisinungaling si Puri? Ano naman at lilinlangin siya nito?
Hinawakan muli ni Jeff ang bote ng alak. Binuksan at nagsalin sa baso.
Tinungga niya. Straight. Gumuhit sa lalamunan niya.
Nakaramdam ng pagkahilo si Jeff.
Hanggang marinig niya ang tawag ni Puri mula sa banyo.
“Jeff pakiabot ang towel ko. Nakasampay sa sopa.”
Dinampot ni Jeff ang malaking towel. Dinala kay Puri.
Bukas ang pinto ng banyo.
Kumatok si Jeff.
“Akina Jeff!’’
Sumilip si Jeff.
Hubo’t hubad si Puri!
(Itutuloy)