‘Alulong’

(PART 2)

ANG pagkamatay ng aking lolo at lola sa sunog ang unang pangyayari na napatunayan kong kapag umalulong ang aso ay may namatay na kaanak. Hindi ako makapaniwala sa nangyari kina Lolo at Lola. Iyak ako nang iyak. Ako ang unang apo sa pamilya kaya paborito akong apo nina Lolo at Lola. Hindi ako halos umaalis sa tabi ng kabaong nina Lolo at Lola.

“Vicky, halika muna at kakain. Kagabi ka pa hindi kumakain,” sabi ni Mama.

“Mamaya na Mama. Wala akong gana.’’

Nang ilibing sina Lolo at Lola, walang tigil ang aking pag-iyak.

MAKALIPAS ang dalawang buwan, muling umalulong ang aming aso sa dis-oras ng gabi. Kinabahan ako.

(Itutuloy)

Show comments