Paano basahin ang pagkatao (Last part)
Kapag nagse-selfie
Hinahawakan ang camera sa ibaba upang sarili lang ang malitratuhan at hindi ang background na kanyang kinaroroonan. Indikasyon ito na mas madalas na positibo ang pananaw niya sa mga nangyayari sa paligid. Hindi siya reklamador at hindi namimintas.
Kung mahilig mag-duckface shots, lagi siyang nakararanas ng nervous tension or maarte lang.
Kapag nagkukuwentuhan ang isang grupo
Kapag inaalala ang isang nakalipas na pangyayari na kasama siya, totoo ang kanyang ikinukuwento kung ang ginagamit niya ay first person na “ako”.
Kung kumakain ng popcorn
Isa-isang isinusubo ang popcorn, siya ay malihim, mapag-isa, hindi mahilig lumabas ng bahay o dumalo sa party.
Dinadakot ang popcorn at ito ang todong isinusubo, siya ay sociable, palakaibigan.
Kung hindi binibitawan ang cell phone at paulit-ulit na may tsinetsek na newsfeed, email, etc.
Depressed siya at ginagawa lang outlet ang social media para may mapaglibangan.
- Latest