13th month pay puwede bang weekly ang pagbibigay?
Dear Attorney,
Pinapayagan ba ng batas na weekly ibigay ang 13th month pay ng mga empleyado? Gusto raw kasi ng aming employer na unti-untiin ang bigayan para hindi mabigat sa kompanya pagsapit ng December. —Gerard
Dear Gerard,
Hindi naman ipinagbabawal ng batas ang weekly na pagbabayad ng 13th month pay. May mga kompanya ngang nagbibigay ng bahagi ng 13th month pay ng June or July pa lang kaya wala akong nakikitang mali kung lingguhan naman ang nais ng employer n’yo.
Ang mahalaga ay pagsapit ng Disyembre 24 ay naibigay na sa inyo ng employer ang kabuuang halaga ng inyong 13th month pay. Dahil dito, importante na alam n’yo kung magkano mismo ang dapat matanggap.
Para malaman ang 13th month pay na iyong dapat matanggap ay kailangang i-compute mo kung magkano ang suma-total ng lahat ng basic salary na natanggap mo ngayong taon.
Matapos mong makuha ang kabuuang halaga na ito ay kailangan mo lang itong i-divide sa 12 upang makuha mo kung magkano ang 13th month pay na dapat mong matanggap.
- Latest