PINAHINTULUTAN ng Home Office ng Britain na magkaroon ng official British passport ang fictional character na Paddington Bear para sa upcoming movie nito na Paddington in Peru. Ayon sa producer ng pelikula na si Rob Silva nakipag-ugnayan siya sa Home Office upang humingi ng replica ng British passport para gamitin bilang props sa pelikula. “Sumulat kami sa Home Office para tanungin kung maaari kaming magkaroon ng replica at nagulat kami na naglabas sila ng official passport para kay Paddington,” ani Silva sa panayam sa kanya ng Radio Times.
Si Paddington Bear ay isang sikat na karakter sa mga librong pambata na nilikha ng British writer na si Michael Bond. Ang kuwento ni Paddington ay nagsimula noong 1958 sa librong “A Bear Called Paddington”.
Ang passport ay may larawan ni Paddington, nakasaad din dito ang kanyang kaarawan na Hunyo 25 at ang place of birth nito na Peru. Bukod sa pagpapasalamat sa Home Office, nagbigay din ng papuri si Silva sa naturang ahensya dahil sa sense of humor ng mga ito.
Ang Paddington in Peru ay ipalalabas sa 2025.
Ang oso na binigyan ng British passport.