^

Punto Mo

British government, binigyan ng official passport ang isang oso!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PINAHINTULUTAN ng Home Office ng Britain na magkaroon ng official British passport ang fictional character na Paddington Bear para sa upcoming movie nito na Paddington in Peru. Ayon sa producer ng pelikula na si Rob Silva nakipag-ugnayan siya sa Home Office upang humingi ng replica ng British passport para gamitin bilang props sa pelikula. “Sumulat kami sa Home Office para tanungin kung maaari kaming magkaroon ng replica at nagulat kami na naglabas sila ng official passport para kay Paddington,” ani Silva sa panayam sa kanya ng Radio Times.

Si Paddington Bear ay isang sikat na karakter sa mga librong pambata na nilikha ng British­ writer na si Michael Bond. Ang kuwento ni Pad­dington ay nagsimula noong 1958 sa librong “A Bear Called Paddington”.

Ang passport ay may larawan ni Paddington, nakasaad din dito ang kanyang kaarawan na Hunyo 25 at ang place of birth nito na Peru. Bukod sa pagpapasalamat sa Home Office, nag­bigay din ng papuri si Silva sa naturang ahensya dahil sa sense of humor ng mga ito.

Ang Paddington in Peru ay ipalalabas sa 2025.

Ang oso na binigyan ng British passport.

PASSPORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with