NAGLIPANA ngayon ang programang Ayuda sa Kapos Ang kita Program (AKAP) mula sa DSWD na ipinagkakaloob ng local government units (LGUs) at ipinatutupad sa mga barangay. Wala po munang malisya, please!
Karagdagang ayuda ang AKAP sa mga indigent senior citizen at mga tumatanggap ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Pampagaan ng pamumuhay at bawas karaingan ng mamamayan sa panahon ng halalan. Owwws?
Tinutuligsa ito ng karamihan dahil ang benepisyaryo raw ay karamihang malaking pamilya at malalapit sa barangay officials. Baka naman mahihirap talaga, he-he-he!
May tarpaulins kasi na sa pagsusulong nito ay mga mukha ng mga pulitiko ang nakabandera.
Siyempre naman, mga governor, mayor at congressman ang tagapaghatid nito bago pa dumating sa barangay officials. Huwag n’yo namang lagyan ng malisya, ha-ha-ha!
Maganda ang layunin ng programa na panangga sa inaasahang pagtaas ng presyo ng mga bilihin dulot ng inflation. AKAP-4Ps (Hug for Peace) di ba?