^

Punto Mo

Mayang (18)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“KILALA ko si Maria, Jeff, madali siyang maniwala sa pangako pero kapag hindi iyon tinupad nang nangako, nawawala ang pagtitiwala niya. At alam ko, malaki ang tiwala niya sa iyo—lagi ka kasi niyang pinagmamalaki sa akin. Noong nasa Dubai pa kami, lagi niyang sinasabi na kapag nakasal na kayo, magnenegosyo na lang daw kayo. Naiisip niya na magtayo ng milkshake at pizza parlor sa bayan nila. Wala pa raw ganung negosyo sa bayan nila. Bukod dun, marami pa siyang plano para sa hinaharap n’yo,’’ sabi ni Puri.

Tumigil sandali ito sa pagsasalita. Maya-maya ay nagpatuloy na uli.

“At yun nga, ang balak niya ay magpapakasal na kayo sa pag-uwi. Nag-finished contract na siya. Mayroon na rin kasi siyang naipon. At isa pa, nagsasawa na rin siya sa pag-a-abroad. Mahigit 20 years siya sa Dubai. Pareho yata kayo na ganun katagal.

“Hanggang sa tawagan niya ako at sinabing wala nang magaganap na kasal. Hindi ko na siya nakausap mula nun. Tinatawagan ko pero walang sumasagot. Parang nagbago na siya ng phone.

“Nang umuwi ako at puntahan siya sa probinsiya, wala na siya sa bahay nila. At ngayon ko lang nalaman, na ikaw pala ang dahilan kaya hindi natuloy ang inyong kasal—nagtungo ka pala sa New Zealand sa kabila na nangako ka kay Maria o Mayang.”

Napaiyak si Jeff.

Nagmakaawa kay Puri na tulungang makita si Mayang.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with