Cruciferous veggies kagaya ng broccoli, spinach, kale: Mayaman sa antioxidants at sulforaphane na tumutulong upang makontrol ang pagpasok ng harmful free radicals sa ating katawan.
Blueberries, raspberries, grapes: Mayaman sa antioxidants, at phytochemicals na pumoprotekta ng cells upang hindi masira.
Garlic, Onions: Sulfur –rich food ang mga ito na may cancer fighting properties at nagpapalakas ng immune system.
Avocado, Olive Oil: Taglay nila ay healthy fats na tumutulong upang maging malakas at healthy ang cells at makaiwas sa pamamaga ng tissues.
Green Tea: Mayaman sa polyphenols at cathechins na pumapatay sa cancer cells.
Carrots, kamatis, bell peppers: Mataas ang beta carotene at lycopene na nagbibigay ng proteksiyon laban sa cancer.
Brown Rice, lentils mushrooms: Ang plant based protein na ito ay mayaman sa fibers upang makaiwas sa colon cancer.
Pomegranates, apples: Mataas ang level ng antioxidants at flavonoids upang maiwasan ang stress at pamamaga ng tissues.
Ang iba pang pagkain na nagbibigay ng proteksiyon laban sa cancer ay oranges, turmeric, walnuts, patatas, camote, almonds, kiwi, pecan nuts, repolyo, soy beans.