‘Ilang-ilang’ (Part 6)

AYON sa kuwento ni Tatay, habang nagdadasal siya na maligtas sa pagkalunod sa rumaragasang ilog, isang na­buwal na puno ng ilang-ilang ang nakita niyang inaanod at patungo sa kanyang direksiyon.

Nang mapatapat sa kanya ang malaking puno ng ilang-ilang, agad siyang sumakay at nagpatianod patungo sa lugar na kinapadparan ni Inay. Hindi siya tumitigil sa pagdarasal na makikita si Inay.

Hanggang makita niya si Inay na lulubog-lilitaw. Isang palapa ng niyog ang ginawa niyang sagwan para mapalapit kay Inay. Hindi raw maipaliwanag kung paano siya nakapagsagwan ng ganoon kabilis habang nakasakay sa puno ng ilang-ilang.

Hanggang masagip niya si Inay. (Itutuloy)

Show comments