‘Ilang-ilang’ (Part 4)

Ayon sa pagkukuwento nina Tatay at Nanay, abala sila sa mga gagamitin at ihahanda sa kanilang kasal. Noon daw ay Hunyo. Hindi raw nila inaasahan na may mangyayari sa kanila habang pauwi galing sa bayan. Ayon kay Inay, galing sila sa simbahan dahil inayos ang mga papeles nila ni tatay.

Sa simbahan sa bayan nakatakda ang kanilang kasal. Pasado alas kuwatro ng hapon sila nakauwi sa baryo. Bago makarating sa baryo, tatawid sila ng isang malaking ilog.

Hindi raw inaasahan nina Tatay at Inay ang biglang pagbuhos ng ulan. Malakas. Walang tigil.

Mag-aalas singko ng hapon tumigil.

Lumalaki na ang tubig sa ilog. Madilaw ang tubig na galing bundok.

Natakot daw si Inay at sinabi kay Tatay na huwag na silang tumawid.

Pero sabi ni Tatay, hindi pa raw gaanong malaki ang tubig at kaya pa.

Inakay daw siya ni Tatay sa pagtawid.

Pero pagdating sa gitna, lumaki ang tubig. Bigla-bigla. Tinangay sila!

(Itutuloy)

Show comments