Lalaki na mabilis nakaubos ng juice gamit ang papel na straw, nakatanggap ng Guinness World Record!

ISANG lalaki mula sa Canada ang nakapagtala ng world record matapos nitong mabilis nahigop ang lahat ng laman ng isang doy pack ng orange juice gamit ang paper straw!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na ang speed eater na si Mike Jack ang pinakabagong record holder ng titulong “Fastest Time to Drink a Capri Sun (paper straw)”.

Ito ay matapos niyang maubos ang isang Capri Sun juice sa loob ng 21.71 seconds gamit ang isang paper straw.

Ayon sa Guinness, hindi ganoon kadali ma-achieve ang world record na ito kahit madali itong gawin sa isipan. Kung ikukumpara ito sa titulong “Fastest Time to Drink a Capri Sun (regular straw)”, bihira ang mga challenger na sumusubok kumasa sa hamon na matalo ang paper straw category.

Bukod sa titulong ito, napasakamay na rin ni Jack ang mga titulong: fastest time to eat 50 Carolina reaper chili peppers (6 minutes, 49.2 seconds), the fastest time to eat 100 Carolina reaper chili peppers (36 minutes, 38.81 seconds).

Show comments