Babae na may matabang dila, nakatanggap ng Guinness Record!

ISANG babae sa Italy na ang dila ay mas malaki pa sa bola ng pingpong ang nakapagtala ng world record!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Ambra Collina ang pinakabagong world record holder ng titulong “Largest Tongue Circumference (Female)”.

Ito ay dahil sa kanyang dila na may sukat na 13.83 centimeters o 5.44 inches. Ang circumference ng dila ni Ambra ay mas malaki sa sukat ng isang pingpong ball.

Upang makumpirma ang sukat ng dila ni Ambra, isang doktor ang tatlong beses sumukat nito. Ang average ng tatlong measurement ang na­ging final measure nito.

Ayon kay Ambra, isang karangalan para sa kanya ang mapabilang sa Guinness Book of World Records dahil bata pa lamang siya ay paborito na niya itong basahin at tingnan ang mga litrato ng mga taong nakakapagtala ng iba’t ibang world records.

Show comments