^

Punto Mo

Ang mga imbentor at kanilang inimbento

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Ang imbentor ng upside-down ketchup bottle ay si Paul Brown na kumita ng $13 million.

• Ang imbentor ng Bubble Wrap ay sina Alfred Fielding at Marc Chavannes. Ang orihinal na plano ng dalawa ay gumawa ng 3d plastic wallpaper, ngunit pumalpak at yun nga, bubble wrap ang naging resulta.

• Si Ruth Wakefield ang imbentor ng chocolate chip cookie ngunit nagpasya siyang ibenta ang recipe sa Nestle Toll House kung saan ang kabayaran ay habang buhay na suplay ng chocolate.

• Si Robert Chesebrough ang imbentor ng petroleum jelly. Upang patunayan na ito ay may health benefits, kumakain siya nito ng isang kutsara araw-araw. Nabuhay siya hanggang 96 years old.

• Aksidente lang ang pagkakaimbento ng tea bags noong 1904. Ang imbentor ay si Thomas Sullivan. Naisipan niyang magbigay ng small samples ng tsaa sa potential customer kaya ini­lagay niya ang tsaa sa maliiit na bags. Ang akala ng mga binigyan ng sample ay kasama na rin ang bag sa pagpapakulo ng tsaa. Nauso ito hanggang ginaya na ng ibang gumagawa ng tsaa.

• Ang bubble gum ay pink dahil iyon lang ang food color na available noong inimbento ito ni Walter E. Diemer. Isa pa, iyon din ang paborito niyang kulay.

• Ang imbentor ng Game Boy ay si Gunpei Yokoi, isang janitor sa Nintendo’s. Inimbento niya ang laruang ito isang araw na inip na inip siya at walang ginagawa. Habang nilalaro ang kanyang imbensiyon, napadaan sa harapan niya ang Presidente ng kompanya. Hangang-hanga ito sa laruang naimbento ng kanyang janitor. Ito ang naging simula ng pagyabong ng career ni Yokoi.

vuukle comment

INVENTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with