^

Punto Mo

EDITORYAL - Maraming sisilawin sa pera para makalusot

Pang-masa
EDITORYAL - Maraming sisilawin sa pera para makalusot

ISINIWALAT  ni dating senador Panfilo Lacson na nag-alok ng P1-bilyon si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo para malusutan ang mga kinakaharap niyang kaso. Sabi ni Lacson, isang kaibigan niya na may kontak sa Unang Pamilya ang nilapitan ni Guo at inalok ng P1-bilyong suhol. Ayon pa kay Lacson ang kaibigan niya ay isang negosyanteng Tsinoy na may dealings sa China at may koneksiyon sa ilang tao na malapit sa pamilya Marcos.

Ayon pa kay Lacson, base sa kanyang kaibigang Tsinoy, nagtatago na raw ng mga panahong iyon si Guo. Komontak daw si Guo sa negosyante sa pamamagitan ng kanilang common friend at inalok kung maaari itong mailapit sa kanyang contact na nasa inner circle ng Unang Pamilya. Nilinaw naman ni Lacson na ang alok na P1-bilyon pera ay para matulungan si Guo sa kanyang mga kinakaharap na kaso at hindi para makalabas ng bansa. Nangyari raw ito noong nasa bansa pa si Guo. Hulyo 18 nang makalabas ng bansa si Guo at iba pa sakay ng speedboat at lumipat sa mas malaking barko na nagdala sa kanila sa Indonesia. Mula Indonesia nagtungo sila sa Malaysia at Singapore. Nahuli siya ng Indonesian police noong Setyembre 5 at dinala sa bansa kinabukasan. Kasalukuyan siyang nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame. Sinampahan siya ng kasong qualified human trafficking.

Sabi ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla, pinaiimbestigahan na niya ang mga isiniwalat ni Lacson. Sabi pa ni Remulla hinihintay raw nila ang resulta ng imbestigasyon sa background ni Guo. Naniniwala raw si Remulla na hindi ordinary ang talino ni Guo. “Extremely talented” daw si Guo at ang mga laro nito ay masyadong malalim at sophisticated. Sabi pa ng Justice Secretary, posibleng marami nang pinakawalang bilyones si Guo para makalusot sa kanyang napakaraming kinakaharap na kaso.

Posible ang mga sinabi ni Remulla. May bahid ng katotohanan din ang sinabi niya na hindi basta-basta ang angking talino ni Guo. Nag-iisip ito at maaaring mabulaga na lamang ang mga nag-iimbestiga sa kanyang estilo. Kalmado lamang ito kahit na pinagtutulungang tanungin ng mga senador.

Palalimin pa ang pag-iimbestiga kay Guo sapagkat habang tumatagal lalong lumalalim ang pagkatao ng nadismis na mayor. Sa kanyang pagiging kalmado at pagngiti-ngiti ay maraming hiwaga ang nakatago. Nararapat na maging maingat ang mga nag-aakusa sapag­kat naiiba ang takbo ng kanyang isip. Tiyak ding pakikilusin niya ang pera at maraming masisilaw.

vuukle comment

PANFILO LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with