^

Punto Mo

Ex-PNP chief, ‘tumulong’ sa pagtakas ni Alice Guo tukuyin agad

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ayan na naman at may panibagong pasabog na lumutang sa isinasagawang imbestigayon  sa naging pagpuga ni Alice Guo.

Abay lumutang na dating hepe ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y tumanggap ng suhol para tulungang makalabas si Guo at ang kanyang mga kapatid kahit na nasa ilalim na sila ng immigration lookout bulletin.

Sa pagpapatuloy ng padinig ng Committee on Woman, Children, Family Relations at Gender­ Equality tungkol sa mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) tina­nong ni Sen. Risa Hontiveros ang mga law enforcer sa pagpapatuloy ng padinig ng Committee on Women, Children, Family Relations at sa mga ilegal na Philippine Offshore.

Ayon sa senadora kápani-paniwala ba yung ganyang impormasyon na meron daw mataas na BI official na tumanggap ng P200-M para patakasin si Guo Hua Ping?” tanong ni Hontiveros.

Nauna nang ibinunyag ni Hontiveros na ibinigay ni Guo at ng kanyang mga kapatid ang pera sa BI at law enforcement.

Ayon kay Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Senior Vice President of Security and Monitoring Cluster Retired General Raul Villanueva na may nakalap silang impormasyon na isang dating PNP chief umano ang tumanggap ng panunuhol.

Bagama’t hindi buong unit  ng PNP ang tinutukoy kundi personalidad lamang sa PNP, dapat pa rin itong masiyasat dahil baka madamay pa nga ang buong command.

Dapat itong matukoy agad

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with