2 engineers sa United kingdom, nakagawa nang pinakamalaking toothbrush sa mundo!

DALAWANG engineer sa U.K. ang nakapagtala ng world record matapos nilang mabuo ang pinakamalaking electric toothbrush sa buong mundo!

Kinumpirma ng records keeping organization Guinness World Records na ang mga engineer at YouTubers na sina Ruth Amos at Shawn Brown ang pinakabagong world record holder ng titulong “The Largest Toothbrush Ever Built”.

Ito ay matapos silang makagawa ng isang fully functioning electric toothbrush na may sukat na 6 talampakan at 7 pulgada.

Ayon kina Amos at Brown, inabot sila ng limang araw sa pagbuo ng higanteng toothbrush. Dahil wala naman silang malaking ngipin na sisipilyuhin, ginagamit nila ang kanilang imbensiyon bilang gardening tool at panlinis ng sahig.

 

Show comments