Lalaki na naka-shoot ng bola habang nakapiring, nakatanggap ng Guinness!

ISANG lalaki sa Arizona, U.S.A. ang nakapagtala ng world record dahil sa kanyang basketball trick shots talent!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Jeremy Ware ang pinakabagong world record holder ng titulong “Longest Underhand Basketball Shot Blindfolded”.

Ito ay matapos niyang ma-shoot ang bola habang nakapiring na may layong 18.28 meters o 60 feet mula sa ring.

Ito ang pangatlong world record ni Jeremy na may kinalaman sa bola. Noong mga nakaraang taon, nakuha niya ang titulong “farthest basketball shot made backwards” na may record na 26.06 meters at napasakamay na rin niya ang titulong “most squats on a Swiss ball in one minute” na may record na 37.

Ayon kay Jeremy, sa tatlo niyang Guinness World Record, itong pag-shoot ng bola na nakapiring ang pinakamahirap niyang nagawa.

 

Show comments