BBM hindi dapat ­maging kampante sa mga nakapaligid

MASAKLAP na kasaysayan ang nangyari sa pamilya Marcos nang bumaliktad ng suporta si Defense Secretary Juan Ponce Enrile dahil lamang sa alitan umano nila ng noo’y AFP chief Fabian Ver na over trusted ni First Lady Imelda Marcos. Kumampi kay Enrile si Fidel V. Ramos na pinsan ni FM Sr. di ba?

Napatalsik din si Joseph Estrada dahil sa anomalya ng jueteng money at tobacco excised tax. Alitan nina Atong Ang at Chavit Singson ang pinagmulan, di ba?

Naging ugat naman ng pagpapatalsik kay dating Pres. Gloria Arroyo ang China ZTE Broadband deal at sumabit ang pangalan ni dating Comelec chairman Benjamin Abalos dahil sa P50 million na lagayan. Nakalusot naman! Si Joey de Venecia III na kaalyado nila sa pulitika ang nagbisto. Saklap!

Mga malalapit na kaibigan, kaalyado sa pulitika at kamag-anak ang naging ugat ng mga nangyaring kaguluhan sa bansa. Reminder lang Mr. President BBM!

Show comments