Health tips
September 4, 2024 | 12:00am
- Ang pag-inom ng oolong tea ng three times a day ay nakakabawas ng pangangati sa mga taong may mild eczema dahil sa compound nitong taglay, ang polyphenols.
- Kapag ang sakit ng ulo ay dulot ng tensiyon, pahiran ng peppermint oil, Tiger Balm, or white flower oil ang inyong sentido. Ang tatlong nabanggit ay may menthol na may analgesic properties.
- Kung nararamdaman mo na natutuyo ang iyong mata, kumain ng isda kagaya ng salmon, mackerel, etc. Ang isda ay may omega-3 fatty acids na nagiging sanhi para magkaroon ng luha ang iyong mata. Ang taong mahilig kumain ng isdang mayaman sa omega-3 ay hindi nakakaranas ng dry eyes.
- Para sa masakit na kalamnan at kasu-kasuan, pahiran ito ng cream or ointment na may ingredient na capsaicin, na nakukuha sa chile peppers, two or three times a day. Ang init mula sa chilli ang nakakatanggal ng sakit.
- Kung nanunuyo ang balat, kumain ng maraming avocado. Mayroon itong monounsaturated fat at vitamin E, na mainam sa balat.
- Para sa kalusugan ng ngipin, mainam na kumain ng shiitake mushrooms at idagdag sa kinakain ang wasabi kung mahilig sa maanghang. Ang dalawang pagkain ay may compounds na pumapatay sa bacteria na nagiging sanhi ng plaque at cavities.
- Sa bagong pag-aaral na ginawa ng Oxford University, ang isang dahilan kung bakit kailangang magbawas ng timbang ang mga kalalakihang matataba ay upang maiwasan ang prostate cancer.
- Ang regular na pag-exercise ay nakakatulong para labanan ang depresyon.
- Base sa Chinese researchers, nagtesting sila ng 57 klase ng inumin upang malaman ang epektibong makatatanggal ng hangover. Natuklasan nilang Sprite ang the best. Partneran lang ito ng crackers kung gutom.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am
January 20, 2025 - 12:00am
January 18, 2025 - 12:00am