‘Disyerto’

(Part 3)

NALIBANG ako sa paglalakad at hindi ko namalayan na malayo na ang nararating ko. Nagtaka ako sapagkat wala na akong natatanaw na mga sasakyan.

At saka ko nalaman na nasa isang disyerto na ako. Kulay pula ang buhangin na ang ibabaw ay may bakas na parang hinipan ng hangin. Pantay ang guhit na parang ginawa ng tao.

Nang lumingon ako sa aking pinanggali­ngan, disyerto rin ang nakita ko. Hindi ko na alam kung saan ako nanggaling. Kaliwa’t kanan ay pawang dis­yerto ang nakikita ko. Walang katapusang disyerto na tila walang katapusan.

Hindi ko ma­laman ang gagawin. Anong nangyayari sa akin at nakarating ako sa disyerto?

Dasal ako nang dasal ng mga oras na iyon.

(Itutuloy)

Show comments