Reps. Paduano at ­Fernandez, ba’t hindi magkasundo?

HALATA sa maraming pagdinig ng Committee on Public Order and Safety sa Kongreso ang hindi pagkakasundo sa maraming bagay nina Rep. Dan Fernandez at Rep. Joseph Stephen “Caraps” Paduano. Referee nila si Rep. Romy Acop!

Sikat na artista si Fernandez bago naging mayor ng Sta. Rosa, Laguna at pumupormang maging gobernador. Sanay sa publicity gimmick talaga!

Dating National Commander naman ng RPA-Alex Boncayao Brigade si Paduano na nagmula sa Negros Occidental bago representante. Galit siya sa katiwalian!

Isa sa mga nasupalpal ni Paduano si human rights lawyer Atty. Harry Roque na abogado ni Cassandra Li Ong na may kinalaman sa notorious Lucky South 99 POGO hub.

Kaya ba umabsent?

Kapansin-pansin na kahit bulong nang bulong si Atty. Ferdinand Topacio kay Cassandra bago sumagot sa mga katanungan, okey lang kay Fernandez. Ka-text at katawagan daw ni Fernandez si Cassandra bago ang hearing?

Unethical yan!

 

Show comments