^

Punto Mo

Maari bang isampa muli ang kasong na-dismiss?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede po bang i-refile ang civil case na na-dismiss na? Salamat po. — Zoey

Dear Zoey,

May dalawang klase ng dismissal: dismissal with prejudice at dismissal without prejudice.

Maaring i-file muli ang kaso kung ito ay na-dismiss without prejudice. Kung ang kaso naman ay na-dismiss with prejudice ay hindi na ito maaring i-file muli at ang tanging magagawa na lamang ay ang iapela ang pagkaka-dismiss nito.

Hindi mo nabanggit ang basehan ng pagkaka-dismiss ng civil case na tinutukoy mo.

Kung ang dismissal ay dahil pinagbigyan ng korte  ang motion to dismiss o kung kinatigan nito ang alinman sa mga sumusunod na affirmative defenses: (1) may nakaraang hatol na ukol sa kasong isinampa o kung hindi na ito maaring maisampa dahil paso na ang nakalaang panahon para sa pagsasampa nito, (2) kung ‘extinguished’ o wala ng habol ang nagsampa dahil siya ay nabayaran na, o dahil matagal na niyang inabandona ang kanyang paghahabol, (3) o kung ‘unenforceable’ o hindi maaring ipatupad ng korte ang habol ng nagsampa sa ilalim ng tinatawag na statute of frauds, ang dismissal ay with prejudice kaya hindi na maaring i-file muli ang kaso at ang remedyo na ay ang i-apela ang ginawang dismissal ng korte.

Kung ang pag-dismiss ay hindi naman dahil sa mga nabanggit na dahilan, maari pang i-refile ang kaso. Karaniwang dahilan ng dismissal without prejudice ang pag-file ng kaso sa maling venue o ang hindi pagdaan sa tinatawag na barangay conciliation bago ang pagsasampa ng kaso. Sa mga ganyang pagkakataon ay maaring i-file muli ang kaso sa tamang venue o matapos magharap ng mga partido sa barangay at makakuha ang magsasampa ng certificate to file action kung sakaling walang naging pagkakasundo.

CASE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with