^

Punto Mo

Maid of Honor (225)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG makaalis na ang mga pulis at tanod kasama ang mga ina­restong sina Mark Demonio at mga kasama, saka lamang nakahinga nang maluwag sina Rocky, Inah at Darwin.

Maya-maya, napaiyak si Inah. Napayakap kay Rocky.

“Salamat at dumating ka Kuya. Kung naatrasado ka ng dating, baka kung ano na ang nangyari sa amin ni Darwin. Baka pinatay na si Darwin ng hayop na si Demonio at ako naman baka… baka ginahasa ng mga walanghiya!’’

Pinayapa ni Rocky si Inah. Tinapik-tapik sa balikat.

“Huwag ka nang umiyak, Inah. Tapos na ang problema natin. Wala nang manggugulo rito. Mabubuhay na tayo nang tahimik.’’

Tumigil sa pag-iyak si Inah. Pinahid ng daliri ang luha.

“Wala nang magtatangka nang masama sa’yo, Inah. Mabubulok sa kulungan ang Demoniong yun!’’ sabi pa ni Rocky.

Napatangu-tango si Inah. Napayapa na ang sarili nito. Nag­liwanag na ang mukha.

“Bakit mo nga pala nalaman na nasa panganib kami ni Darwin, Kuya Rocky. Di ba patungo ka na ng Maynila kanina? Anong nangyari at bumalik ka?’’

“Ang totoo ay sasakay na ako kanina sa bus sa terminal. Pero bigla akong kinabahan. Bigla kitang naisip. Hindi na ako tumuloy sa pag-akyat sa bus. Mabilis akong sumakay sa traysikel at nagpahatid dito. At naabutan ko nga ang ginagawang pagbugbog kay Darwin.’’

“Salamat Kuya Rocky. Nailigtas mo na naman ako. Marami na talaga akong utang na loob sa’yo.’’

“Kaya nga mula ngayon, hindi na muna ako aalis. Kahit na naaresto na sina Demonio, hindi pa rin ako dapat magtiwala. Hindi kita iiwan, Inah.’’

“Salamat Kuya.’’

Maya-maya, dumating ang itay ni Inah. Ibinalita na siya ang nagsumbong sa mga barangay tanod at sa mga pulis sa ginagawa ng grupo ni Demonio.

“Mabubulok na sila sa bilangguan. Wala na tayong problema,’’ sabi ng itay ni Inah.

“Oo nga po Itay. At mabuti nga rin po, na hindi natuloy si Kuya Rocky sa Maynila at napigilan ang mga demonyo.’’

“Salamat Rocky,’’ sabi ni Itay.

Napangiti lang si Rocky. (Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with