^

Punto Mo

Lalaki na may pinakamalaking koleksyon ng Funko Pop, nakatanggap ng Guinness Records!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Virginia, U.S.A. ang nakapagtala ng world record dahil sa libu-libo niyang koleksiyon ng Funko Pop.

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Paul Scardino ang pinakabagong may hawak ng world record title na “Largest Collection of Funko Pop! Figurines”. Ito ay matapos siyang makapagkolekta ng mga ito na umabot na sa 8,002 pieces.

Ang Funko Pop ay isang uri ng mga collectible toys na gawa ng kompanyang Funko. Kilala ang mga Funko Pop figures sa kanilang distinct na disenyo: malalaki ang ulo na may simpleng detalye ng mukha at maliit na katawan. Ang mga ito ay kadalasang base sa mga karakter mula sa pelikula, TV shows, video games at komiks.

Dahil sa pagiging collectible, marami ang nagkokolekta ng iba’t ibang bersyon ng mga Funko Pop na inilalabas, lalo na ang mga limited edition.

Ayon kay Paul, ang pagkokolekta niya ng Funko Pop ay nakatutulong sa kanyang mental health. Dagdag pa niya, nagi­ging daan din ito para siya magkaroon ng social life sa pamamagitan ng pakikihalubilo sa iba pang Funko Pop collectors.

Si Paul Scardino at ang libong koleksiyon niya ng Funko Pop figurines.

vuukle comment

FUNKO POP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with