^

Punto Mo

Maid of Honor (224)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KAHIT puro pasa na ang mukha ni Mark Demonio dahil sa mga sipa at suntok ni Rocky kanina, mayabang pa ring hinarap si Darwin.

“Hindi ako natatakot sa’yong sipunin ka!’’ sabi ni Demonio at sinugod si Darwin para upakan ng suntok. Pero palibhasa’y bata pa at maliksi si Darwin, nailagan nito ang mga suntok at saka sinipa si Demonio sa tagiliran. Napasubsob si Demonio sa buhangin una ang mukha. Nakakain ito ng buhangin.

Tumayo uli ito at muling sinugod si Darwin. Pero pinag­laruan na lang siya ni Darwin. Isang malakas na elbow ang isinalubong kay Demonio na tinamaan sa panga. Bagsak.

Nang akmang babangon, sinipa ni Darwin. Namilipit sa sakit.

Uupakan pa sana ni Darwin pero nakarinig sila ng mga taong paparating—mga pulis at barangay tanod.

Babangon sana si Demonio at ang isang tauhan na nagkamalay pero pinosasan na sila ng mga pulis.

Nakilala ng pulis si Demonio.

“Wanted ang taong ito. May warrant of arrest ito dahil sa dami ng kaso!’’

“Nang-e-extort po sila sa resort ng kaibigan ko, Sir,’’ sabi  ni Rocky.

“Matagal na naming hinahanap ang taong ito! Dito lang pala nagtatago!’’

“Kayo na po ang bahala sa kanila, Sir!” sabi ni Rocky.

“Opo kami na ang bahala. Sinisiguro namin­ na sa kulungan na ang tuloy nito dahil may warrant­ of arrest na.’’

“Matatahimik na po kami rito sa resort, Sir!’’ sabing mangiyak-ngiyak ni Inah habang nakahawak sa braso ni Rocky.

“Opo Misis. Matatahimik na kayo rito,’’ sabi ng police officer.

“Miss pa po ako Sir.’’

“Ay sori po. ‘Kala ko mag-asawa kayo ni Sir. Naka­hawak ka po kasi sa kanya.”

Napangiti na lang si Inah.

Si Rocky naman ay napangiti rin.

“Sige po, dadalhin na namin sa presinto ang wanted na ito at mga kasama niya. Salamat po sa inyo at natulungan kami na madakip ang taong ito.’’

Umalis  na ang mga pulis. Isinakay sa mga police car ang mga inaresto.

Naiwan sina Rocky, Inah at Darwin.

Nabunutan sila ng tinik sa pagkakaaresto kay Demonio.

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with