ISANG orchid enthusiast sa Canada ang nakapagtala ng world record matapos siyang makapagpatubo ng isang orchid na may mahigit 100 bulaklak!
Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Kevin English ang pinakabagong record holder ng titulong “Most Flowers on an Orchid Plant (monopodial)”. Ito ay dahil sa kanyang orchid plant na may 159 na bulaklak.
Hindi ito ang unang beses ni English makuha ang titulong ito dahil noong nakaraang taon, siya rin ang may hawak nito sa record na 131 bulaklak.