Kapag nagigising sa madaling araw...
(Last part)
Bukod dito, may kinalaman din ito sa madalas na paggising natin sa madaling araw.
Nagigising sa pagitan ng 3:00 a.m. at 5:00 a.m. dahil nakakadama ka ng alinman sa mga sumusunod: desperateness, pessimism, feeling like a victim, injustice, and emotional coldness. Ang organ na konektado sa mga ganitong nararamdaman ay lungs. Kapag tuluy-tuloy ang negatibong emosyon, malaki ang posibilidad na magkasakit sa lungs. Sa traditional Chinese medicine, ang kalungkutan at depresyon ay humahadlang upang hindi magawa ng lungs ang kanyang trabaho sa iyong katawan.
Dagdag pa rito, nagigising ka sa nabanggit na oras dahil ang iyong spiritual guides/guardian angel or higher beings ay nais makipagkomyunikasyon sa iyo. Mag-meditate at mag-breathing exercise upang makabalik muli sa iyong pagtulog.
Nagigising sa pagitan ng 5:00 a.m. at 7:00 a.m. Dahil may kinikimkim na emosyon na hindi mailabas. Halimbawa, in love sa isang tao ngunit hindi niya mailabas. Or nais ipaalam sa buong mundo na siya ay gay pero hindi niya magawa. Puwede rin may guilt siyang nadadama ngunit walang lakas ng loob na magtapat ng katotohanan. Ang resulta nito ay malalang pagtitibe. Pati ang dumi ng kanyang katawan ay hindi makalabas.
Magiging normal lamang ang sistema ng katawan kung magiging tapat ka lang sa iyong sarili at sa mga taong nakapaligid sa iyo. Hubarin ang maskara at magpakatotoo.
- Latest