Babae na napakaraming tattoo, nakatanggap ng 2 Guinness Records!

ISANG 36-anyos na babae sa Connecticut, U.S.A. ang nakapagtala ng dalawang world record dahil sa kanyang mga tattoo at body modifications!

Kinumpirma ng Guinness World Records na si Esperance Lumineska Fuerzina ang pinakabagong world record holder ng titulong “The Most Tattooed Person (Female)”. Ito ay dahil ang 99.98% ng katawan ni Fuerzina ay nababalot na ng mga tattoo.

Bukod dito, nakuha rin niya ang world record title na “Most Body Modifications (Female)” dahil mayroon siyang 89 body modifications. Ilan na dito ay ang kanyang mga body piercings, at ang kanyang “split tongue” kung saan ipinaopera niya ang kanyang dila para maging kahawig ng dila ng ahas.

Ayon kay Fuerzina, hindi pa siya tapos sa kanyang tattoo and body modification journey. Hindi pa niya alam kung ano pa ang kanyang idaragdag sa kanyang katawan pero sigurado siya na hindi pa siya titigil dito.

Show comments