Intel fund ng DOJ at PNP, hindi nagamit kay Guo?

NAGING mainit na balita na nakalabas ng bansa si POGO Queen Alice Guo. Takas Queen na siya ngayon!

Natural na sa taga-Bureau of Immigration, nakatutok ang suspetsa nang marami na kakutsaba sa pagtakas ni Guo. Posible talaga!

Nakataya ang posisyon ni BID Commissioner Atty. Norman Tansingco sa ganitong sitwasyon. Kung hindi man siya direktang kasangkot, command responsi­bility ang tatahakin ng usapin. Posible na pati si DOJ Sec. Boying Remulla, madamay din.

Nasa ilalim din ng DOJ ang NBI na may kani-kanilang Regional Office. What happened?

Kung saang exit point dumaan, maaring masisi ang PNP sa mapurol na intelligence gatherings ng mga tauhan nito dahil wanted na si Guo. Para saan nga ba ang intelligence fund ng NBI at PNP?

Malamang maispatan ito ni Sen. Risa Hontiveros lalo’t nasa budget hearing ang sentro ng galawan sa Senado. Lagot sila ngayon!

Show comments