Lola sa Japan, tinaguriang ‘pinakamatanda sa buong mundo’ ayon sa Guinness Records!

ISANG lola sa Ashiya, Hyogo Prefecture sa Japan ang nakapagtala ng dalawang world record dahil sa kanyang edad!

Kinumpirma ng Guinness World Records na si Tomiko Itooka ang record holder ng mga titulong “oldest living woman” at “oldest living person” dahil sa kanyang edad na 116. Ipinanganak siya noong Mayo 23, 1908 sa Osaka, Japan. Nagkaroon ng apat na anak at maraming apo at apo sa tuhod. Ayon sa kanyang mga apo, naging malakas ang kanilang lola dahil hilig nitong mag-hiking noon sa Mount Nijo sa Nara Prefecture. Dalawang beses na rin nitong naakyat ang Mount Ontake.

Show comments