^

Punto Mo

Maid of Honor (216)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Naupo si Inah sa silya. Nanatili namang nakatayo si Rocky. Tumatagaktak ang pawis sa katawan dahil sa pag-eensayo sa mixed martial arts.

“Kanino ka natuto ng martial arts Kuya?’’

“Sa kapatid kong police officer. Nag-train siya sa Bangkok. Maraming gym siyang pinagsanayan. Napalaban na siya nang maraming beses sa tournament. Siya ang representative ng PNP noon. Mahusay siyang instructor. Gusto niyang matuto ng self defense mapa-lalaki o babae. Marami na raw kasing criminal sa kalye at dapat lang matuto ang bawat isa kung paano ipagtatanggol ang sarili.’’

“Tinuruan ka niya Kuya?”

“Oo. Nagtayo siya ng gym at libre. Mga bata ang sinasanay. Marami siyang naturuan.’’

“Talagang na-master mo ang tinuro niya Kuya?”

“Oo. Lahat ng mga nalaman niya, naipasa sa akin ng kapatid ko.’’

“E yung isa mo pang kapatid na NBI agent, marunong din?’’

“Oo. Pero karate ang na-master niya at jujitsu.’’

“Lahat pala kayong magkakapatid ay marunong ng martial arts.”

“Oo.’’

“Bakit hindi ka magtayo ng gym dito sa resort? Maraming mag-aaral ng self defense, Kuya sure ako.’’

“Puwede. Kaya lang dapat ay may katulong ako. Mahirap din ang nag-iisa.”

“E di maghanap ka ng isang tao na tuturuan at kapag mahusay na siya e di kunin mong assistant.’’

“Meron ka bang alam na puwedeng turuan?’’

“Oo yung tagapulot ng mga basura sa aplaya—si Darwin. Noon pa nakikita ko siyang may hilig magsipa-sipa. Kakausapin ko.’’

“Sige. Kapag may hilig siya tuturuan ko agad.’’

KINABUKASAN, dumating sa gym ni Rocky si Darwin. Edad 18 at matipuno ang pangangatawan.

“Kuya Rocky, tuturuan mo raw ako ng Muay Thai?’’

“Oo Darwin. Halika.’’

“Ikaw talaga ang hinahanap ko Kuya Rocky. Gusto kong matuto ng mixed martial arts.’’

“Sige umpisahan na natin.’’

Nang araw ding iyon, tinuruan ni Rocky si Darwin. At bilib siya sa binata dahil mabilis matuto. Mahusay. Sabi ni Rocky sa sarili, may ibubuga si Darwin.

MAKALIPAS pa ang ilang buwan, dumating sa resort ang mga lalaki na nangongotong. Hinanap si Inah ng lider na si Mark Demonio.

Mabilis na nagsumbong si Inah kay Rocky.

“Anong gagawin natin, Kuya Rocky?’’

“Huwag kang matakot. Akong bahala.”

(Itutuloy)

vuukle comment

KUYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with