^

Punto Mo

Abogada na may dila na kasing lapad ng atm card, nakatanggap ng Guinness World Record!

MGA KWENTONG KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Nakapagtala ng bagong world record ang isang attorney sa Texas, U.S.A. dahil sa pambihirang lapad ng dila nito!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Brittany Lacayo ang pinakabagong world record holder ng titulong “Widest Tongue (female)”.

May lapad na 3.11 inches ang kanyang dila kaya natalo nito ang previous record na 2.89 inches lamang.

Ayon kay Lacayo, bata pa lamang ay alam na niyang hindi pangkaraniwan ang lapad ng kanyang dila ngunit hindi niya alam na ito pala ang isa sa pinakamalapad sa buong mundo.

Naisipan lang niya na magsumite ng aplikasyon sa Guinness nang makita niya ang litrato ng previous record holder at naisip niya na kaya niya itong talunin.

Sa ngayon, excited na siyang ipaalam ang pinakabago niyang achievement sa mga kasama niyang attorney sa pinagtatrabahuhang law firm.

vuukle comment

RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with