^

Punto Mo

P64 budget sa pagkain kada araw nakakasapat nga ba?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

HINDI raw itinuturing na mahirap ang mga Pinoy na gumagastos ng nasa P64 kada araw o P21.3 kada meal sa buong maghapon.

Ayon yan sa National Economic and Development Authority o NEDA na ito nga ang nagiging sukatan ng gobyerno ng kahirapan.

Ito ang nabatid sa briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa Senado noong Martes nang tanungin ni Sen. Nancy Binay si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan kung ano ang threshold para sa kahirapan sa pagkain.

Base umano sa accounting para sa inflation, ang threshold ay P64 kada araw para sa tatlong pagkain, o humigit-kumulang P21.3 kada pagkain kada tao. Tumaas pa nga ang halaga mula noong 2021, na noon ay nasa P55 kada araw.

Marami ng hindi sumang-ayon dito, biruin mong nasa P21 isang meal sa isang araw. Kung tatlong meal aabot sa P64 kada araw.

Ika nga mapagtitiyagaan pero ang sabihing nakakasapat pa ito, at di pa maituturing na kahirapan, abay sila kaya ang mag-budget sa pagkain nila sa naturang halaga kung hindi nangagsipayat sila.

Siguro pwede ito noong panahon pa ni ‘kopong-kopong’ pero sa taas ng mga bilihin sa ngayon baka candy na lang na pampatid gutom ang mabili dito.

Mistulang nakakainsulto ang ganitong mga pahayag para lamang masabing bumaba na ang bilang ng mga ‘food poor’, ayon sa isang mambabatas.

Ang mag-budget ka sa isang meal ng higit P20 sa isang meal di pa yan kahirapan?

Kayo na ang sumagot.

O di ba, nakakagigil talaga.

BUDGET

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->