Maid of Honor (213)
MARAHANG hinilot ni Rocky ang binti ni Inah. Nararamdaman niya na may nakabukol sa binti ni Inah na parang umaakyat kapag iginagalaw ito.
“Huwag kang gumalaw Inah. Tiisin mo lang. Mawawala rin yan!’’
“Ang sakit Kuya! Parang hindi ko matatagalan ang sakit!’’
“Basta huwag kang gagalaw! Relaks lang! Habang nilalabanan mo yan ay lalo lang aakyat at mas masakit!”
“Oo Kuya!”
“Basta relaks ka lang. Dahan-dahang mawawala yan.’’
Tumahimik si Inah.
Nakapikit ito na parang nagko-concentrate.
Ipinagpatuloy naman ni Rocky ang pagmasahe sa naninigas na binti. Marahan na marahan ang pagmasahe niya sa makinis na binti ni Inah.
Hanggang sa wala na siyang maramdamang matigas sa binti ni Inah. Nanumbalik na ang binti sa dati.
“Masakit pa Inah?’’
“Medyo masakit pa Kuya.’’
“Kaunting tiis pa at totally mawawala na yan.’’
“Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong kasakit na cramps, Kuya. Dati nagka-cramps ako sa madaling araw pero madali lang mawala. Pero ngayon, sobra talaga ang sakit! Parang may pandesal na umaakyat sa binti ko patungo sa hita.’’
“Kasi nga napuwersa kanina nang tangayin ka ng alon. Naipadyak mo marahil nang wala sa ayos ang mga paa mo.’’
“Oo nga Kuya. Nang tangayin ako ng alon, naisikad ko nang walang tigil ang mga paa ko.’’
“Siguro rin, kulang ka sa pagkain ng saging.”
“Saging? Bakit Kuya?’’
“Mahalaga ang saging. Mataas ito sa potassium at humahadlang para hindi magka-cramps.’’
“Talaga Kuya? Ngayon ko lang nalaman ‘yun.’’
“Kahit isa o dalawang saging a day sapat na para hindi kulangin sa potassium ang katawan.’’
“Kakain na ako nang maraming saging.’’
Hinilot pa uli ni Rocky ang binti ni Inah.
“Masakit pa ba?’’
“Hindi na Kuya. Maginhawa na ang pakiramdam ko.’’
“Sige dahan-dahan ang pagbangon mo. Umupo ka muna.”
Bumangon si Inah. Inalalayan ni Rocky. Nagkalapit ang mga mukha nila. Nagkatinginan.
(Itutuloy)
- Latest