Maid of Honor (212)
HINDI inaasahan nina Rocky at Inah ang paglaki ng alon. Walang senyales na magbabago ang dagat na kanina lamang ay kalmadung-kalmado.
Pagsalpok ng alon sa kanila ay natangay agad si Inah at pinadpad sa di kalayuan. Parang papel na tinangay si Inah.
“Kuya Rockyyy tulu-ngan mo akooooo!” sigaw ni Inah.
Nakita ni Rocky na mayroon pang malaking alon na paparating. Hahampasin uli sila.
Kailangang madaluhan niya si Inah. Hindi ito marunong lumangoy. Lampas tao sa kinaroroonan nito.
“Hintayin mo ako Inaah!’’ sigaw niya at mabilis na lumangoy para masaklolohan si Inah.
Pero ilang metro pa ang layo niya kay Inah, rumagasa muli ang malaking alon at tinakpan si Inah.
“Kuyaaaaaa!’’
Matapos rumagasa ang alon, nawala si Inah.
“Inaaaah! Inaaaaah!’’
Hindi niya makita! Baka natangay sa malayo!
“Inaaaah!’’
Maya-maya may lumutang!
Si Inah!
“Inaaah!’”
“Kuyaaaa, masakit ang binti ko—nag-cramps ako! Malulunod akooo! Kuyaaaa!’’
“Patungo na ako riyan!’’
Mabilis na lumangoy si Rocky at narating ang kinaroroonan ni Inah.
“Humawak ka nang mahigpit sa akin! Huwag kang bibitaw!’’
“Oo Kuya! Ang sakit ng binti koooh!’’
Mabilis na lumangoy si Rocky habang nakayakap sa likod si Inah.
Nakarating sila sa dalampasigan.
Ibinaba ni Rocky sa buhanginan si Inah.
Hingal na hingal si Rocky.
“Ang sakit ng binti ko Kuya! Ang sakiiit!’’
“Hihilutin ko. Huwag kang gagalaw!’’
Hinilot ni Rocky ang kanang binti ni Inah. (Itutuloy)
- Latest