Ang mga sumusunod ang nalilikhang perwisyo ng soda/softdrinks sa ating katawan:
Hika — ang softdrink ay hinahaluan ng preservative na sodium benzoate upang mapatagal ang produkto. May taong sensitive sa sodium benzoate na nagdudulot ng pagsumpong ng hika, eczema at pamamantal ng balat.
Sakit sa bato (kidney) — Kapag napasobra ang sodium sa ating diet, ang potassium sa ating katawan ay nababawasan. Ang potassium ay tumutulong upang makapagtrabaho ng maayos ang ating bato (kidney). Bukod dito, ang softdrink ay may mataas na level ng phosphoric acid na nagreresulta ng kidney stone at iba pang sakit sa bato.
Sugar overload — Pagkaraan ng 20 minutong paglagok ng softdrink, biglang tumataas ang sugar level sa katawan kaya magkakaroon ng insulin burst na nagiging sanhi upang ang asukal ay magiging taba sa liver.
Sobrang pagtaba — Ayon sa mga scientist, totoong nakakataba ang pag-inom ng softdrink. At hindi lang simpleng pagtaba ang mangyayari kundi magiging “obese”. Mga 70 percent ng sakit sa puso ay iniuugnay sa obesity.
Nakasisira ng ngipin — Mabilis nasisira ang ngipin dahil sa asukal at acid na nakahalo sa softdrink.
Sakit sa puso at diabetes — May kahalong high fructose corn syrup na pinaghihinalaang nagdudulot ng sakit sa puso at diabetes.
Problema sa reproductive system — Ito naman ay kung nakalagay sa lata ang iinuming softdrink. Ang lata ay may resin na nagtataglay ng BPA (bisphenyl-A), ang kemikal na nagiging sanhi ng cancer at reproductive abnormalities.
Osteoporosis — Ang ingredient na phosphoric acid ang nagiging dahilan ng paglutong ng buto. Matapos uminom ng softdrink, sumasama sa iyong ihi ang phosphorus at calcium. Sa halip na pakinabangan ng katawan ang calcium, ito ay tumatapon kasama sa ihi kaya nagkukulang ang katawan sa calcium.