^

Punto Mo

Maid of Honor (209)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Naalala ni Inah na sinabi nga pala sa kanya ni Rocky na huwag sasabihin o ipagtatapat kina Honor, Bianca at Yana na narito siya sa resort. Ilihim daw iyon. Saka na raw sasabihin ni Rocky ang dahilan.

“Wala na raw balita si Kuya Honor kay Kuya Rocky, Inah,’’ sabi muli ni Yana na halatang nalungkot, “baka raw patay na!’’
“Hindi naman siguro, Yana. E di sana nabalita kung may nangyari kay Kuya Rocky,” sagot ni Inah na hindi halatang may itinatago ukol kay Rocky.

“Nagpunta pa nga raw si Kuya Honor sa bahay ni Kuya Rocky sa Marikina.’’

Kinabahan si Ina. Baka nakausap ni Kuya Honor ang matandang kapitbahay ni Rocky.

“Anong nangyari?’’

“Wala na raw nakatira sa bahay! Walang nakaaalam kung nasaan si Kuya Rocky.’’

“Ipagdasal natin na ligtas si Kuya Rocky, Yana.’’

“Oo, Inah. Malaki ang utang na loob natin kay Kuya Rocky dahil siya ang naging kasama ni Kuya Honor sa pag-rescue sa iyo sa KTV bar. Siya ang nakaalam kung saang KTV bar ka nagsasayaw. May pagkakataon pa nga nagsosolo siya para ka hanapin.’’
“Talaga, Yana?”

“Oo. Pagkukuwento ni Kuya Honor, marami palang pinuntahang KTV bar sa Pasay si Kuya Rocky at inisa-isa ang mga yun. Nagtatanong din daw si Kuya Rocky sa kapatid nitong police official at NBI agent. Kaya madaling natunton ang kinaroroonan mo.’’

“Bakit ngayon ko lamang nalaman ‘yan, Yana?’’

“Ako man, Inah. Kailan lang kasi ikinuwento ni Kuya Honor ang mga ginawa nito para ka ma-rescue. Siya ang naging mapilit na makita ka.’’

“Malaki pala talaga ang utang na loob ko kay Kuya Rocky, Yana.”

“Oo. Kung hindi sa kanya, baka hawak ka pa ng sindikato na ang front ay POGO.’’

“Sana makita ko si Kuya Rocky para makapagpasalamat,’’ sabi ni Inah na hindi halata na nasa kanyang resort na si Rocky.

“Ipagdasal natin na ligtas siya Inah.’’

“Oo Yana.’’

Natapos ang pag-uusap nilang magkapatid.

UMAGA. Naglakad muli sa aplaya sina Inah at Rocky. Maganda ang panahon., Kalmado ang dagat. Sumisikat na ang araw.

Makaraang maglakad, ipinasya ni Inah na maligo sa dagat.

Nag-two piece swimsuit siya.

Lumusong sa dagat. Lumangoy.

Maya-maya, tinawag niya si Rocky.

“Halika ka na Kuya Rocky. Di ba sabi mo, maliligo ka rin?’’

“Oo Inah. Sandali lang!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

HONOR

ROCKY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with