EDITORYAL - Ituloy ang PUV modernization

DALAWAMPU’T DALAWANG senador ang lumagda sa resolusyon para suspendihin ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Nais daw ng mga senador na maresolba ang isyu ng PUVMP. Natapos ang deadline ng PUVMP noong Abril 30, 2024 kung saan naging kolorum na ang mga jeepney na hindi nakapag-consolidate. Tinatatayang 70 percent na ng mga jeepney drivers at operators ang nakapag-consolidate.

Sa ilalim ng PUVMP, dapat mag-consolidate at maging miyembro ng mga kooperatiba ang mga jeepney driver at operator. Ayon sa Deparment of Transportation (DOTr), ang mga jeepney operator na hindi nakapag-consolidate ay maaaring lumipat sa consolidated cooperatives.

Subalit mula nang matapos ang deadline para sa consolidation, wala nang narinig sa DOTr o sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Walang panghuhuli sa mga itinuring nang colorum jeepneys. Ang pananahimik ng DOTr at LTFRB ay naghatid ng pangamba sa mga grupo ng transport groups na nag-consolidate at sumuporta sa PUVMP. Nasaan na raw ang PUV modernization ng gobyerno at tumatamlay na makaraang sumuporta rito ang 80 percent ng jeepney operators at drivers. Nag-invest na raw sila rito subalit nasa balag ng alanganin ngayon makaraang magpahayag ang mga senador na sususpindihin ang PUVMP.

Una nang nagpahayag ang pitong transport groups na tinaguriang “Magnificent 7”, na magsasagawa sila ng tigil-pasada kung itutuloy ng Senado sa pangu­nguna ni Senate Pres. Chiz Escudero ang suspension ng PUVMP. Ayon kay Pasang Masda president Roberto “Ka Obet” Martin, maaring magtigil-pasada sila para maipadama ang lakas ng 80 percent na nakiisa sa modernization program ng pamahalaan.

Ang “Magnificent7” ay binubuo ng Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at ­Opereytors Nationwide (PISTON), Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), Federation of Jeepney ­Operators and Drivers Association of the Phi­lippines (FEDJODAP), Stop and Go Coalition, at Liga ng Transportation at mga Operators ng Pilipinas (LTOP).

Ituloy ang jeepney modernization. Noong 2016 pa paudlut-udlot ang PUVMP at dapat na itong maisakatuparan. Kakatwa naman ang pasya ng 22 senador na suspindihin ito para malinawan daw ang isyu. Bakit ngayon lang? Matagal nang pinag-uusapan ito at ngayon lang sila umalma. Mahaharap sa malaking problema ang bansa kapag sinuspindi ang PUVMP. Mas marami ang magtitigil-pasada, Lalong walang masasakyan ang mamamayan.

Show comments