DAGLIANG namahagi ng ayuda ang Philippine Charity Sweepstakes Office sa mga Pinoy sa Metro Manila na sinalanta ng bagyong Carina. Inutusan din ni PCSO General Manager Mel Robles ang lahat ng Authorized Agency Corporations (AACs) ng Small Town Lottery (STL) sa buong Pinas na magsagawa ng relief operations sa mga lugar na binaha dulot ng bagyo.
Aniya, ang mga AACs ay dapat makipag-coordinate sa Local Government Units (LGUs) para sa mabilisan at matiwasay na pagmumudmod ng groceries at food packs sa apektadong pamilya.
Natuwa naman si Robles at walang kiyemeng nag-abot ng kani-kanilang contribution na food packs at groceries ang mga AACs sa Metro Manila, na naranasan ang halos magdamag na malakas na ulan na hinigitan pa ang bagyong Ondoy. Tsk tsk tsk! Get’s n’yo mga kosa!
Sa totoo lang, bitbit na ni Robles at kanyang team ang mga relief goods na balak nilang ipamudmod sa CAMANAVA areas noong Miyerkules subalit na-postpone ang lakad nila dahil tumaas ang tubig sa mga kalye at walang madaanan. Bigo na bumalik sa kanilang opisina sa Mandaluyong City sina Robles at kasamahan at naiwang nganga ang mga residente ng Caloocan, Valenzuela, Malabon, at Navotas.
Ang CAMANAVA ang inabot ng galit ni Carina at halos nasa second floor na ang mga kabahayan sa mababang lugar doon, di ba Boss Bong Arriola? “We were literally stopped in our tracks by the heavy rains and massive flooding from bringing relief goods and other assistance to the victims especially those in the CAMANAVA area,” giit ni PCSO GM. Dipugaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Isinailalim ang Metro Manila sa state of calamity matapos ang masinsinang pagpupulong ng mga mayors kay DILG Sec. Benhur Abalos. Binibigyan ng naturang deklarasyon ang mga LGUs sa Metro Manila ng mabilisang access sa tinatawag na emergency funds upang matic na magbigay ayuda sa mga apektadong residente. Mismooo!
Samantala, inutusan ni President Bongbong Marcos ang lahat ng frontline agencies ng gobyerno na magsagawa ng relief operations sa mga biktima ng bagyong Carina. Eh di wow! Sana all! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Ayon kay Robles, nakahanda na ang relief goods na na nasa mga plastic na balde na kung tawagin nila ay “Charitimba” na ipapamahagi sa mga Pinoy na tinamaan ni Carina. Idinagdag pa ni Robles na kasama niya ang mga opisyales ng AACs ng STL sa pamamahagi ng relief goods, lalo na sa Valenzuela City, kung saan sila nag-ooperate.
Ang AACs sa Metro Manila at probinsiya ay kusang nag-donate ng saku-sakong bigas, groceries at pake-paketeng relief goods para matulungan ang mga biktima ng bagyong Carina. Taos puso namang pinasalamantan sila ni Robles. Sanamagan! Hehehe! Palakpakan natin ang AACs mga kosa!
Kahapon, nagsasagawa ang PCSO ng corporate social responsibility (CSR) activity matapos ang 2:00 p.m. draw. Sa naturang event, nag-distribute din sina Robles at PCSO officials ng groceries, soup, at tinapay sa mga nangangailangan nito. Abangan!